Mga Pinakabagong Balita:
Samu't-sari, 22 August 2008
Inihayag na ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga nagwagi sa Gawad Surian sa Sanaysay Gantimpalang Collantes 2008, kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2008.
Nagwagi ng unang gantimpala si Prop. Bayani Santos ng MLQU, Maynila, sa kanyang paksang “Linguistic Enfranchisement: Saligang Etika, Moral at Pulitikal ng Karapatang Pangwika.” Pangalawang gantimpala si G. […]
Samu't-sari, 22 August 2008
Taunang ginugunita ng Bgy. San Vicente, San Pedro, Laguna ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa bisa ng Resolusyon Bilang 08-20 na pinagtibay ng pamunuan ng naturang barangay sa pamumuno ni Bgy. Chairman Norvic Solidum mula pa noong 2003.
Sa taong ito ay inanyayahan nila si KWF Chair Ricardo Ma. Duran Nolasco bilang Panauhing Pandangal […]
Balita, 22 August 2008
Inaasahang dadagsain ng mga Kapampangan ang naka-iskedyul na Engrandeng Pagbubukas ng Kalam, ang kauna-unahang Kapampanganobela na gaganapin sa SM City, Lungsod ng San Fernando, Pampanga sa darating na Agosto 27, 2008.
Binigyang-diin ng mga producer ng Kalam na ito’y higit pa sa isang palabas pantelebisyon lamang. Ito anila ay isang advocacy project na naghahangad na itaguyod […]
Samu't-sari, 15 August 2008
Tumatanggap na ng lahok ang Komisyon sa Wikang Filipino at ang mga Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino para sa Gawad Komisyon 2008.
Ang Gawad Komisyon 2008 ay timpalak sa pagsulat ng tula at maikling kuwento sa sampung pinakamalalaking wika sa Pilipinas na kinabibilangan ng Ilokano, Pangasinan (sa pakikipagtulungan ng Don Jose Tamayo Foundation, Inc.), Kapampangan, Bikol, […]
Samu't-sari, 15 August 2008
Pinangunahan ng Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino-R-VII na nakabase sa Cebu Normal University sa pakikipag-ugnayan ng DepEd at CHED RO7 at sa taguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2008 sa R-VII. Kaugnay nito, idaraos ang mga sumusunod na timpalak at panayam sa sumusunod na petsa:
Agosto 20, 2008 […]